Friday, April 10, 2015

MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALAGA/PAGBIBINATA

source: bbc.co.uk
Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata

EsP VII
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VII

Layunin sa Pagkatuto

 

Mga mag-aaral ang mga sumusunod ay kailangang maisasagawa ninyo.  

·         Nakikilala ang mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/ pagbibinata.

·         Napangangatwiranan kung bakit kailangang linangin ang mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata.

·         Natutukoy ang mga hakbang tungo sa paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata.

·         Natutukoy ang mga pagbabago sa sa kanilang sarili mula sa gulang na 8 - 9 hanggang sa kasalukuyan sa aspetong: (a) Pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing edad, (b) Papel sa lipunan bilang babae o lalaki, (c) Asal sa pakikipagkapwa / sa lipunan, at (d) Kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya

·         Napangangatwiranan kung bakit mahalagang kilalanin ang mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata sa aspetong Pakikipag-ugnayan sa kasing edad, Papel sa Lipunan, Asal sa pakikipag-kapwa, Kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya

·         Napatutunayan kung nakatutulong ang paglinang ng mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili (self-confidence) at sa pagiging mabuting tao

·      Naipaliliwanag ang kaugnayan ng paglinang ng mga   inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay (sa  paghahanda sa paghahanapbuhay at paghahanda sa pag-aasawa at pagpapamilya)

·          Naisasakatuparan ang mga sariling paraan sa paglinang ng mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata nakabubuo ng talaan ng mga positibong self-talk o affirmation tungo sa paglinang ng tiwala sa sarili

Modyul 1: Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga /Pagbibinata

 


Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo?


Madalas mo bang tingnan ang sarili mo sa salamin nitong mga nagdaang araw? Marahil napapansin mo na ang malaki mong pagbabago mula noong ikaw ay nasa mga unang taon mo sa elementarya. Marami ka ng ginagawa noon na ayaw mo ng gawin ngayon. At maging ang mga tao saiyong paligid ay napapansin mong nag-iiba na ang kanilang paraan ng pakikitungo sa iyo.

Nalilito ka na ba? Minsan tinatawag kang bata; minsan naman ay sinasabing dalaga o binata ka na. Nakalilito talaga. Ikaw ay nasa yugto ng buhay mo na tinatawag na panahon ng unti unting pagbabago (transition period) o paglipat mula sa isang yugto ng buhay patungo sa susunod. Ikaw ngayon ay tumatahak sa yugto ng pagdadalaga o pagbibinata (adolescence). Upang lubos na makilala ang sarili, napakarami mong kailangang maunawan tungkol sa yugtong ito.

 

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa


a. Natutukoy ang mga pagbabago sa sarili mula sa gulang na 8 o 9 hanggang sa kasalukuyan sa aspetong:

(a) Pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing-edad,
(b) Papel sa lipunan bilang babae o lalaki,
(c) Asal sa pakikipagkapwa at sa lipunan, at
(d) Kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya

b. Natatanggap ang mga pagbababagong nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata

c. Naipaliliwanag na ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos  (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga /pagbibinata ay nakatutulong sa:
1. pagkakaroon ng tiwala sa sarili;
2. paghahanda sa susunod na yugto (stage) ng buhay (paghahanda sa paghahanapbuhay at paghahanda sa pag-aasawa / pagpapamilya); at
3. pagiging mabuti at mapanagutang tao

d. Naisasagawa ang mga angkop na hakbang tungo sa paglinang ng apat nainaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata



Bilang panimula ay subukin mo ang iyong sarili sa mga konseptong iyong
matututuhan sa aralin na ito. Mahalaga ang bahaging ito upang mataya ang iyong dating kaalaman sa konseptong pag-aaralan.
       
Halika at tayahin natin ito sa susunod na pahina.

Modyul 1: Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga /Pagbibinata

PAUNANG PAGTATAYA


1. Ang mga sumusunod ay mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao maliban sa:
a.Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay
b.Nakatutulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong sitwasyon
c.Nagtuturo sa isang nagdadalaga/nagbibinata ng mga nararapat na gawin na akma sa kanilang edad
d.Nagsisilbing pangganyak o motibasyon upang gawin ng isang nagdadalaga/nagbibinata ang inaasahan sa kanya ng lipunan

2. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata maliban sa ______.
a. Pagsisikap na makakilos ng angkop sa kanyang edad
b. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
c. Pagtamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa
d. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad

3-4. Basahin at unawain ang mga talata sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang bilang 3-4.

Pagtuntong ng isang bata sa kanyang ika-labintatlong taon, nagsisimula ang matulin at kagyat na pagbabago sa kanyang pag-iisip at pag-uugali. Kung dati ay kuntento na ang isang batang lalaki sa paglalaro, ngayon ay tila naaakit na siyang tumingin sa kababaihan. Gayundin ang isang batang babae: nagsisimula na rin siyang kumilos na tulad sa isang ganap na babae. Sa panig ng kalalakihan, nagiging masilakbo ang kanilang pag-iisip at paguugali: laging tila humaharap sa hamon na susubok sa kanilang katapangan. Nagiging mapangahas sila sa anumang bagay, waring ipinagwawalambahala ang panganib, nagkukunwarinng hindi nababalisa sa anumang suliranin. Ito ang panahon kung saan tila naghihimagsik ang isang kabataan, waring di matanggap ang katotohanang hindi pa siya ganap na lalaki at nagpupuyos ang kalooban na pasubalian ito sa mundo. Ito ang panahon na ang isang lalaki ay wala pang napapatunayan sa kanyang sarili at sa iba, kaya napakalaki ng kanyang kawalan ng
seguridad, laging humahanap ng pagkakataon na ipakita ang kanyang kahalagahan. Sa panig ng kababaihan, ang isang nagdadalaga ay nagsisimulang iwanan ang daigdig ng mga manika at laruan, nag-iingat na kumilos nang magaslaw o tila bata. Isa siyang bulaklak na nagsisimulang mamukadkad. Hango sa: http://cpnhs.com/smf/index.php?topic=167.0

3. Ano ang pangunahing paksa ng sanaysay?
a. Ang pagbabago sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
b. Ang mga karanasan na pinagdaraanan ng mga nagdadalaga/nagbibinata.
c. Ang damdamin ng mga nagdadalaga/nagbibinata sa mga pagbabagong kanilang pinagdaraanan
d. Ang pagkakaiba ng pagbabagong pinagdaraanan ng isang nagdadalagaat nagbibinata

4. Ano ang pangunahing pagkakaiba na inilarawan sa sanaysay sa pagitan ng isang nagdadalaga at nagbibinata?
a. Ang nagbibinata ay walang seguridad at ang nagdadalaga ay nakararamdam ng kalituhan
b. Ang nagbibinata ay nagiging mapangahas at ang nagdadalaga ay hindi na naglalaro ng manika at iba pang laruan.
c. Ang nagbibinata ay nagiging masidhi ang pag-iisip at damdamin at ang nagdadalaga ay nagsisimulang maging pino sa kanilang kilos.
d. Ang nagbibinata ay nagsisimulang maging matapang at ang nagdadalaga ay nagsisimula nang kumilos na tulad ng isang ganap na babae.


5. Basahin ang mga katangian ng mga tinedyer sa ibaba. Ano ang mahuhubog kung ipagpapatuloy ng bawat isa ang kanyang gawi?
· Palaging sinasabi ni Rosemarie sa kanyang sarili na hindi siya perpekto, alam niyang sa bawat pakakamali ay mayroong siyang matututuhan.
· Hinahasa ni Stephanie ang kanyang kakayahang suriin at tayahin ang kanyang sariling mga pagtatanghal bilang isang mang-aawit.
· Hindi hinahayaan ni Anthony na talunin ng takot at pag-aalinlangan ang kanyang kakayahan.
· Hindi natatakot si Renato na harapin ang anomang hamon upang ipakita niya ang kanyang talento.
a. tapang       b. talento at kakayahan      c. tiwala sa sarili       d. positibong pagtingin sa sarili

6. Bakit mahalaga ang pagtamo sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad?
a. Upang masisiguro niya na mayroong tao na tatanggap sa kanyang mga kalakasan at kahinaan
b. Upang magkaroon siya ng kalaro na magtuturo sa kanya ng pakikipagugnayan sa mga kasing-edad
c. Upang mapatunayan sa lahat ng tao na may kakayahan siyang makipagugnayan nang maayos sa kanyang kasing edad
d. Upang magkaroon siya ng makakasundo na tutulong sa kaniya upang matanggap sa isang pangkat na labas sa kanyang pamilya

7. Sa yugto ng maagang pagdadalgaga o pagbibinata, inaasahan na ang pagkakaroon ng tinedyer ng kasintahan (girlfriend/boyfriend). Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil mahalagang mamulat ang nagdadalaga o nagbibinata sa pagbuo ng relasyon sa katapat na kasarian sa maagang panahon.
b. Tama, dahil ito ay makatutulong sa kanya upang matutong humawak ng isang relasyon at maging handa sa magiging seryosong relasyon sa hinaharap.
c. Mali, dahil mahalagang masukat muna ang kahandaan ng isip at damdamin ng isang nagdadalaga/nagbibinata sa paghawak ng isang seryosong relasyon.
d. Mali, dahil hindi pa nararapat na magkaroon ng seryosong relasyon ang isang tinedyer.

8. Si Cleofe ay iskolar sa isang pamantasang mataas ang kalidad. Napaliligiran siya ng mga mayayaman na kamag-aral. Labis ang kanyang pagkabalisa dahil alam niyang hindi naman siya makasasabay sa mga ito sa maraming bagay. Ano ang pinakamakatuwirang gawin ni Cleofe?
a. Makipagkaibigan lamang siya sa kapwa niya mga iskolar na mahirap din.
b. Ipakita niya ang kanyang totoong pagkatao.
c. Kausapin niya ang kanyang mga magulang upang bumili ng mga gamit at damit na halos katulad ng sa mga mayayamang kamag-aral.
d. Makiangkop sa kamag-aral na mayaman sa oras na sila ang kasama at sa mga kapwa niyang iskolar na mahirap kung sila naman ang kasama.

9. Masasabi lamang na ganap ang pakikipag-unayan kung handang ipaalam
ang lahat sa kapwa. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil ito ay nagpapakita ng tiwala sa kapwa.
b. Tama, dahil ito ang magiging simula ng isang malalim na pakikipagugnayan.
c. Mali, dahil sa kasapi ng pamilya lamang nararapat na sabihin ang lahat ng sikreto.
d. Mali, dahil mahalagang magkaroon ng limitasyon upang hindi magamit ang mga impormasyon tungkol sa sarili laban sa kanya sa hinaharap.

10. Si Bernard ay mababa ang tiwala sa sarili sa kabila ng kanyang talento. Hindi niya ito ipinakikita sa paaralan dahil sa takot na hindi ito maging kalugodlugod sa iba pang mga mag-aaral. Ano ang makatuwirang gawin ni Bernard?
a. Kausapin niya ang kanyang sarili at sabihin na hindi matatalo ng hindi pagtanggap ng iba sa kanyang talento ang kanyang pagnanais na umangat dahil sa kanyang kakayahan.
b. Humingi siya ng papuri mula sa kanyang mga kaibigan at kapamilya na makatutulong upang maiangat ang kanyang tiwala sa sarili
c. Harapin niya ang mga hamon nang may tapang at hayaang mangibabaw ang kanyang kalakasan.
d. Huwag niyang iisipin na mas magaling ang iba sa kanya, bagkus isipin niya na siya ay nakaaangat sa lahat.

Modyul 1: Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga /Pagbibinat

PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN AT PAGLINANG NG MGA KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA


                        
                           Gawain 1: Ang mga Positibong Pagbabagong Napapansin Ko sa   
                                         Aking Sarili ngayong Ako’y Nagdadalaga / Nagbibinata.

Panuto:
Sa iyong kuwaderno, itala ang mga positibong pagbabagong napapansin mo sa iyong sarili ayon sa bawat kategorya sa bawat bilang sa ibaba. Magtala ng limang pagbabago sa sarili. Pagkatapos, gumupit o gumuhit ng isang larawan na  sa iyong palagay ay nagpapakita ng mga kategoryang ito. Idikit ito sa kuwaderno.

Sundin ang pormat sa ibaba. Gawin mong gabay ang halimbawa sa unang kategorya.
a. Pakikipag-ugnayan sa mga kasingedad
1. Lalong lumalalim ang pakikipagkaibigan sa mga kapwa babae/lalaki.
2. Ibinabahagi ang ilang mga problema sa mga malapit na kaibigan at hinihingi ang kanilang opinyon
3. Nagkakaroon ng interes sa mga katapat na kasarian; nagkakaroon ng crush.
4. Iniiwasan ang pakikipag-away
5. Hindi lang sa paglalaro kasama ang mga kaibigan, maging sa mahahalagang proyekto sa paaralan

Ngayon, ikaw naman:
a. Pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad
1. _________________________________________________________________________
2. _________________________________________________________________________
3. _________________________________________________________________________
4. _________________________________________________________________________
5. _________________________________________________________________________

b. Papel sa lipunan bilang babae o lalaki
1. _________________________________________________________________________
2. _________________________________________________________________________
3. _________________________________________________________________________
4. _________________________________________________________________________
5. _________________________________________________________________________

c. Pamantayan sa asal sa pakikipagkapwa
1. _________________________________________________________________________
2. _________________________________________________________________________
3. _________________________________________________________________________
4. _________________________________________________________________________
5. _________________________________________________________________________

d. Kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasaya
1. _________________________________________________________________________
2. _________________________________________________________________________
3. _________________________________________________________________________
4. _________________________________________________________________________
5. _________________________________________________________________________

Nagawa mo ba?  Magaling! Dumako ka na sa susunod na gawain.

                       Gawain 2: Profayl Ko, Noon at Ngayon


Panuto:
 Punan ang tsart sa ibaba. Sa hanay ng “Ako Ngayon”, isulat ang mga pagbabagong iyong itinala sa naunang gawain. Sa hanay ng “Ako Noon”, itala naman ang iyong mga katangian noong ikaw ay nasa gulang na 8 hanggang 11 taon.

Ako muna:

Profayl Ko, Noon at Ngayon

Ako Noon (Gulang na 8-11)
Ako Ngayon
Pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad
Hal. Kalaro ko ang aking mga kaibigan.

Hal. Karamay ko ang mga kaibigan ko sa mga hinaharap na suliranin.

Papel sa lipunan bilang babae o lalaki
Hal. Tungkulin ko ang maging isang mabuting mag-aaral.
Hal. Nagtatrabaho at nag-aaral ako para makapasok sa mas mahusay na trabaho
Pamantayan sa asal sa pakikipagkapwa


Hal. Masunurin ako sa utos ng aking mga magulang dahil alam nila ang mabuti para sa akin.

Hal. Sumusunod ako sa batas upang makaiwas sa suliranin.

Kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasiya

Hal. Ang aking mga magulang ang nagpapasya para sa akin

Hal. Ginagawa ko kung ano ang alam kong makabubuti sa akin at sa aking pamilya.




Ikaw naman:
Profayl Ko, Noon at Ngayon

Ako Noon (Gulang na 8-11)
Ako Ngayon
Pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad



Papel sa lipunan bilang babae o lalaki



Pamantayan sa asal sa pakikipagkapwa



Kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasiya




Gamit ang iyong binuong “Profayl Ko, Noon at Ngayon” , isa-isahin at ipaliwanag ang mga pagbabago sa iyong sarili mula noong walong taong gulang ka hanggang ngayon.

Modyul 1: Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga /Pagbibinat

PAGPAPALALIM


                 Basahin ang sumusunod na sanaysay.





                   ANG MGA INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALAGA / PAGBIBINATA


Ang bata mo pa para makialam sa mga desisyon dito sa bahay.

Ang bata bata mo pa gusto mo na kaagad magpunta sa party…

Dalaga ka na, hindi na dapat nakikipaglalaro sa mga kapitbahay!

Dalaga ka na dapat hindi ka umaalis na hindi naaayos ang iyong silid.

Pamilyar ba sa iyo ang mga ganitong salita? Marahil sinasabi mo sa sarili mo ngayon, “Parang narinig ko na yan”. Nalilito ka ba? Ganyan talaga ang buhay ng isang nagdadalaga/nagbibinata.
Ang yugto ng pagdadalaga/ pagbibinata ay yugto ng kalituhan, hindi lamang para sa iyo kundi maging sa mga taong nasa sapat na gulang sa iyong paligid. Marahil maging sila hindi malaman kung paano ka na ituturing. Bata ka pa ba o matanda ka na?
Alam kong nararamdaman mo na ang napakaraming pagbabago sa iyong sarili sa yugtong ito ng iyong buhay, sa iyong pangangatawan, sa iyong damdamin, at sa iyong pakikitungo sa iyong kapwa. At alam kong malinaw na sa iyo na kinakailangan mong harapin ang napakaraming pagbabagong ito. Mahalagang malagpasan mo ang anumang hamon na ibinibigay nito. Sabi nga nila, “Naku, dapat mature ka na”. Ang daming inaasahan sa iyo. Sa iyong pakiramdam lahat ng kanilang mga mata ay nag-aabang sa mga bagay na iyong gagawin, sa mga salitang iyong sasabihin at sa mga pagpapasyang iyong isasagawa. Kaya nga mas nararapat na handa ka, maging mas maingat ka at maging mas malawak sa iyong pag-iisip sa maraming bagay sa iyong paligid. Sabi nga nila, ganyan talaga ang buhay.
Gaano man kalaki ang hamon sa iyo, kailangan mong harapin ang mga ito. Kailangan handa ka at taglay mo ang mga kaalaman na makatutulong sa iyo upang maging matatag ka sa iyong pagharap sa hamon ng pagdadalaga/pagbibinata. 

     Mahalagang maunawaan mo na ang bawat tao ay may inaasahang kakayahan at                           kilos (developmental tasks) sa bawat yugto ng buhay na dapat tugunan o gampanan.  Kailangan ito upang malinang ang kanyang mga kakayahan at matamo ang kaayusan sa pamayanan.  Mahalagang kilalanin ang mga inaasahang kakayahan at kilos na ito lalo na sa yugto ng maagang pagdadalaga / pagbibinata (early adolescence).
May tatlong mahahalagang layunin ang inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao.
-          Una, nagsisilbing gabay ang mga ito kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay.  Mahalagang maunawaan ang mga ito upang matamo ang mga kasanayang angkop dito. Mahalagang isagawa ito sa ilalim ng patnubay ng magulang at mga guro.
-          Pangalawa, nagsisilbing pangganyak o motibasyon ang mga ito sa binatilyo/dalagita upang gawin niya ang mga inaasahan sa kanya ng lipunan. 
-          Pangatlo, malilinang ang kakayahang iakma ang kanyang sarili sa mga bagong sitwasyon; kaya’t maiiwasan ang stress o nakahihiyang reaksyon dahil makapaghahanda siyang harapin ang mga ito.  Halimbawa, ang mga batang nagmamasid sa paraan ng pakikitungo ng binatilyo/dalagita sa katapat na kasarian ay madaling maiakma ang kanilang mga sarili pagdating nila sa yugtong ito.

            Sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata, may walong inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang ayon kay Havighurst (Hurlock, 1982, p.11).   
  Ang mga ito ay:
         1.  Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing edad
         2.  Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
   3.  Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng tamang pamamahala sa mga ito
4.  Pagtamo at pagtanggap ng katanggap-tanggap na asal sa pakikipagkapwa
5.  Pagkakaroon ng kakayahang mapag-isa sa mga magulang o may sapat na gulang (adults)
6.  Paghahanda para sa paghahanapbuhay
7. Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya
8. Pagkakaroon ng mga halaga (values) at gabay sa mabuting asal

Narito ang paglalarawan ng bawat isa:
  1. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing edad. Bago dumating ang yugto ng pagdadalaga / pagbibinata, ang isang bata ay madalas na mas nakikipag-ugnayan sa kapwa batang kapareho ng kanyang kasarian. Halimbawa, kung babae ka, mas gusto mong kalaro ang kapwa mo babae.  Para sa isang bata, mahalaga ang pagkakaroon ng kalaro dahil ito ang magtuturo sa kanya ng makipag-ugnayan.  Ngunit habang lumalaki at nagkakaisip, nababago ang kanyang pagtingin sa kanyang kapwa. Nagiging mas malalim ang kanyang pagtingin sa pakikipag-ugnayan. Naghahanap na siya ng mga taong makakasama niya nang mas madalas sa araw-araw, makakasundo sa maraming bagay at ibang gawain. Ang tawag niya rito ay mga kaibigan. Sila ang mga taong tumutulong sa kanya upang matanggap at mapabilang siya sa isang pangkat na labas sa kanyang pamilya. Ngunit mahalagang maunawaan niya na may tungkulin siya sa paghubog ng isang  malusog at ganap na pakikipag-ugnayan. Sa puntong ito, makatutulong sa iyo ang mga sumusunod na hakbang:
    1. Alamin mo kung ano talaga ang iyong nais. Kailangang malinaw sa iyo kung ano ang ninanais mo sa isang pakikipag-ugnayan.  Halimbawa,  gusto mo na magkaroon ng isang kaibigan na maaari mong ituring na parang sarili mong kapatid dahil ikaw ay nag-iisang anak. Makatutulong ito sa iyo upang makalikha ng mga hakbang kung paano mo gagawing ganap ang iyong pakikipag-ugnayan.
    2. Ipakita ang tunay na ikaw. Mula sa iyong pagkabata natuto ka na gumanap sa iba’t ibang gampanin sa iba’t ibang sitwasyon. Kasama dito ang pakikipag-ugnayan. Sa unang yugto ng iyong pagdadalaga/pagbibinata, ginagawa mo ang lahat upang matanggap ka ng ibang tao na iyong kasing edad. Lagi kang nakahandang makiayon sa kanila. Ngunit maaarimg makalimutan mo na ang totoong ikaw. Huwag kang mahiyang ipakita sa kanila ang tunay mong pagkatao. Ang pagtanggap sa lahat ng ito ng iyong mga kaibigan ay nangangahulugang pagtanggap sa tunay na ikaw nang walang halong pagkukunwari.
    3. Panatilihing bukas ang komunikasyon. Ang pagbabahagi ng iyong nararamdaman, ninanais, mga plano, mga takot, kasiyahan at iba pa ay mahalaga tungo sa isang ganap na pakikipag-ugnayan. Mas makabuluhan ang pakikipag-ugnayan kung walang anumang itinatago sa bawat isa. (Halimbawa, kahit pa alam mo na makasasakit sa iyong kaibigan na ipaalam sa kanya ang iyong negatibong obserbasyon sa kanyang ugali, tama lamang na sabihin mo ito sa kanya upang magkaroon siya ng pagkakataong baguhin ito.
    4.  Pagtanggap sa isang tao at sa kanyang tunay na pagkatao. Ang pakikipag-ugnayan ay walang kundisyon. Mahalagang tanggapin ang isang tao bilang tunay na siya. Hindi makatutulong kung ganap mong babaguhin ang tao ayon sa iyong nais. Halimbawa, hindi mo maaaring pilitin ang iyong kaibigan na maging kapareho ng iyong pag-iisip, kilos at paniniwala sa lahat ng pagkakataon. Hindi mo rin magugustuhan na nagpipilit ang isang tao na maging isang taong hindi naman totoong siya. Hindi tatagal ang isang pagkakaibigang puno ng
 pagpapanggap. At lalo’t higit hindi magiging kuntento ang iyong kaibigan na malaman na hindi mo kayang tanggapin ang totoo niyang pagkatao.)
    1. Panatilihin ang tiwala sa isa’t isa. Kung walang tiwala sa isa’t isa, mahina ang pundasyon ng ugnayan. Kung mananatili ang pagtitwala sa isa’t isa, kayang lagpasan ang anumang mga pagsubok sa pakikipag-ugnayan.  Kaya lang, iwasan maging masyadong pamilyar sa isa’t isa. May kasabihan sa Ingles na “Familiarity breeds contempt.” 
    2. Maglaro at maglibang. Walang pinakamasarap kundi ang maging bata. Kung minsan sa labis na pagiging seryoso natin sa buhay, nakakalimutan na natin ang halaga ng paminsan-minsang paglalaro at paglilibang na magkasama. Sa paraang ito, nawawala natin ang maraming pag-aalala, takot, pagdududa at insekyuridad (insecurities).
    3. Mahalin mo ang iyong sarili. Kung hindi mo matututuhang mahalin ang iyong sarili, hindi mo matutuhan ang magpahalaga sa ibang tao. Mahihirapan ka na tanggapin ang kahinaan ng ibang tao kung hindi mo kayang tanggapin ang sarili mong mga kahinaan. Kung hindi ka masaya sa maraming bagay tungkol sa iyong sarili, walang anumang gagawin ang ibang tao na makapagpapasaya sa iyo. Kung kaya mahalagang simulan mo ito sa tunay na pagtanggap sa kung ano ang tunay mong pagkatao at sa pagpapasalamat sa lahat ng biyaya ng Diyos sa iyo.

  1. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki. Ang mga nagdadalaga/nagbibinata ay bumubuo ng kanilang sariling kahulugan ng pagiging lalaki o babae. Ngunit hindi pa rin naiaalis na ibatay ito sa nakagisnang kultura. Halimbawa, ang lalaki ay malakas, matapang at ang babae naman ay mahina, palaasa.  Ang kanilang pagkakaibang bayolohikal ang nagtutulak upang magkaroon ng ganitong pananaw. Ngunit hindi nararapat na lagyan ng hangganan ang kakayahan ng bawat isa batay lamang sa

kanyang katangiang bayolohikal. Sa tulong at paggabay ng mga nakatatanda, kailangang mabigyan ng pagkakataon ang bawat isa na hubugin ang kanilang mga papel sa lipunan bilang lalaki at babae. Halimbawa, kailangan na turuan ang mga lalaki na ipakita ang kanilang tunay na damdamin. Umiyak sila kung kinakailangan sa panahon ng labis na kalungkutan. Kailangang salungatin ang paniniwalang ang umiiyak na lalaki ay labis na mahina. 

  1. Patanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito. Sa yugto ng pagdadalaga/pagbibinata, mabilis ang mga pagbabago sa katawan kung ikukumpara sa ibang yugto ng buhay, maliban sa unang dalawang taon ng sanggol. Sa isang binatilyo/dalagita, ang pagkakaiba niya sa iba sa bilis ng paglaki ng mga bahaging ito ay maaaring maging dahilan ng kawalan ng kapanatagan (insecurity). Maaaring magkaroon ng epekto ang mg pagbabago sa katawan sa emosyon at pakikitungo sa kapwa.  Likas at panlahat ang mga ito, kaya di dapat mag-alala ang dalagita/ binatilyo.  Mahalagang sumangguni sa mga may sapat na gulang (adult) - magulang o taong pinagkakatiwalaan.  Kailangan ang masustansyang pagkain sa yugtong ito, sapat na ehersisyo at malusog na pamumuhay (tulad ng pagtulog sa loob ng walong oras at pag-inom ng walo hanggang sampung baso ng tubig araw-araw, at pana-panahong pamamahinga (periodic rest). Kailangan din ang paraan ng pagrerelaks at malalim na paghinga upang maalis ang mga tensyon sa katawan.
    Makatutulong din ang mga gawaing gagamit ng galaw ng katawan tulad ng paglilingkod sa pamayanan at mga karanasan sa pagkatuto na hands-on.
    1. Pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa/ lipunan. (Desiring and achieving socially responsible behaviour). Habang lumalaki ka at nagkakaisip, nakikita mo ang unti-unting paglawak ng iyong mundo. Mula sa iyong tahanan, lumalawak ito habang nadaragdagan ang iyong edad. Ang pagiging mapanagutan sa pakikipagkapwa ay lagpas sa simpleng paggalang sa kapwa, ito ay pag-unawa at pagbibigay halaga na hindi nabubuhay ang tao para lamang sa kanyang sarili. Kailangan natin ang ibang tao upang tunay na makita ang ganda at halaga ng buhay. Para sa isang nagdadalaga/nagbibinata, mahalaga ito upang tunay na makilala ang kanyang pagkatao, upang matukoy kung saan siya nababagay (fit) sa lipunan at upang mabuo ang kanyang tiwala na makibahagi sa anumang gawain o trabaho.

2 comments:

  1. Blessed Evening! Teacher Mhalz po ito. Pwede po ba akong makahingi ng copy nito. Salamat po

    ReplyDelete