source: bbc.co.uk
Mga
Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata
EsP VII
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VII
Layunin sa Pagkatuto
Mga mag-aaral ang mga sumusunod ay
kailangang maisasagawa ninyo.
·
Nakikilala ang mga inaasahang kakayahan at kilos
sa panahon ng pagdadalaga/ pagbibinata.
·
Napangangatwiranan kung bakit kailangang
linangin ang mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalaga / pagbibinata.
·
Natutukoy ang mga hakbang tungo sa paglinang
ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata.
·
Natutukoy ang mga pagbabago sa sa kanilang
sarili mula sa gulang na 8 - 9 hanggang sa kasalukuyan sa aspetong: (a) Pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga
kasing edad, (b) Papel sa lipunan bilang babae o lalaki, (c) Asal sa
pakikipagkapwa / sa lipunan, at (d) Kakayahang makagawa ng maingat na
pagpapasya
·
Napangangatwiranan
kung bakit mahalagang
kilalanin ang mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalaga / pagbibinata sa aspetong Pakikipag-ugnayan sa kasing edad, Papel
sa Lipunan, Asal sa pakikipag-kapwa, Kakayahang makagawa ng maingat na
pagpapasya
·
Napatutunayan kung nakatutulong ang paglinang
ng mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata sa
pagkakaroon ng tiwala sa sarili (self-confidence) at sa pagiging mabuting tao
·
Naipaliliwanag ang kaugnayan ng paglinang ng
mga inaasahang kakayahan at kilos sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay
(sa paghahanda sa paghahanapbuhay at
paghahanda sa pag-aasawa at pagpapamilya)
·
Naisasakatuparan ang mga sariling paraan sa
paglinang ng mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata nakabubuo ng talaan
ng mga positibong self-talk o affirmation tungo sa paglinang ng tiwala sa
sarili
Modyul 1: Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at
Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga /Pagbibinata
Ano ang
Inaasahang Maipamamalas Mo?
Madalas
mo bang tingnan ang sarili mo sa salamin nitong mga nagdaang araw? Marahil napapansin
mo na ang malaki mong pagbabago mula noong ikaw ay nasa mga unang taon mo sa elementarya.
Marami ka ng ginagawa noon na ayaw mo ng gawin ngayon. At maging ang mga tao
saiyong paligid ay napapansin mong nag-iiba na ang kanilang paraan ng
pakikitungo sa iyo.
Nalilito
ka na ba? Minsan tinatawag kang bata; minsan naman ay sinasabing dalaga o
binata ka na. Nakalilito talaga. Ikaw ay nasa yugto ng buhay mo na tinatawag na
panahon ng unti unting pagbabago (transition period) o paglipat mula sa isang
yugto ng buhay patungo sa susunod. Ikaw ngayon ay tumatahak sa yugto ng
pagdadalaga o pagbibinata (adolescence). Upang lubos na makilala ang
sarili, napakarami mong kailangang maunawan tungkol sa yugtong ito.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na
kaalaman, kakayahan at pag-unawa
a. Natutukoy ang mga pagbabago sa sarili mula
sa gulang na 8 o 9 hanggang sa kasalukuyan sa aspetong:
(a) Pakikipag-ugnayan (more mature relations)
sa mga kasing-edad,
(b) Papel sa lipunan bilang babae o lalaki,
(c) Asal sa pakikipagkapwa at sa lipunan, at
(d) Kakayahang makagawa ng maingat na
pagpapasya
b. Natatanggap ang mga pagbababagong
nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
c. Naipaliliwanag na ang paglinang ng mga
angkop na inaasahang kakayahan at kilos (developmental
tasks) sa panahon ng pagdadalaga /pagbibinata ay nakatutulong sa:
1. pagkakaroon
ng tiwala sa sarili;
2. paghahanda sa susunod na yugto (stage) ng
buhay (paghahanda sa paghahanapbuhay at paghahanda sa pag-aasawa /
pagpapamilya); at
3. pagiging mabuti at mapanagutang tao
d. Naisasagawa ang mga angkop na hakbang
tungo sa paglinang ng apat nainaasahang kakayahan at kilos (developmental
tasks) sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
Bilang panimula ay subukin mo ang iyong sarili sa mga
konseptong iyong
matututuhan sa aralin na ito.
Mahalaga ang bahaging ito upang mataya ang iyong dating kaalaman sa konseptong
pag-aaralan.
Halika
at tayahin natin ito sa susunod na pahina.
Modyul 1: Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at
Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga /Pagbibinata
PAUNANG PAGTATAYA
1.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos
(developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao maliban sa:
a.Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan
ng lipunan sa bawat yugto ng buhay
b.Nakatutulong upang malinang ang kakayahang
iakma ang sarili sa mga bagong sitwasyon
c.Nagtuturo sa isang nagdadalaga/nagbibinata
ng mga nararapat na gawin na akma sa kanilang edad
d.Nagsisilbing pangganyak o motibasyon upang
gawin ng isang nagdadalaga/nagbibinata ang inaasahan sa kanya ng lipunan
2.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang
sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata maliban sa ______.
a. Pagsisikap na makakilos ng angkop sa
kanyang edad
b. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop
sa babae o lalaki
c. Pagtamo at pagtanggap ng maayos na ugali
sa pakikipagkapwa
d. Pagtamo ng bago at ganap na
pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad
3-4.
Basahin at unawain ang mga talata sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang bilang 3-4.
Pagtuntong ng isang bata sa kanyang ika-labintatlong taon,
nagsisimula ang matulin at kagyat na pagbabago sa kanyang pag-iisip at
pag-uugali. Kung dati ay kuntento na ang isang batang lalaki sa paglalaro,
ngayon ay tila naaakit na siyang tumingin sa kababaihan. Gayundin ang isang
batang babae: nagsisimula na rin siyang kumilos na tulad sa isang ganap na
babae. Sa panig ng kalalakihan, nagiging masilakbo ang kanilang pag-iisip at
paguugali: laging tila humaharap sa hamon na susubok sa kanilang katapangan. Nagiging
mapangahas sila sa anumang bagay, waring ipinagwawalambahala ang panganib,
nagkukunwarinng hindi nababalisa sa anumang suliranin. Ito ang panahon kung
saan tila naghihimagsik ang isang kabataan, waring di matanggap ang katotohanang
hindi pa siya ganap na lalaki at nagpupuyos ang kalooban na pasubalian ito sa
mundo. Ito ang panahon na ang isang lalaki ay wala pang napapatunayan sa
kanyang sarili at sa iba, kaya napakalaki ng kanyang kawalan ng
seguridad, laging humahanap ng pagkakataon na ipakita ang kanyang
kahalagahan. Sa panig ng kababaihan, ang isang nagdadalaga ay nagsisimulang
iwanan ang daigdig ng mga manika at laruan, nag-iingat na kumilos nang magaslaw
o tila bata. Isa siyang bulaklak na nagsisimulang mamukadkad. Hango sa: http://cpnhs.com/smf/index.php?topic=167.0
3.
Ano ang pangunahing paksa ng sanaysay?
a. Ang pagbabago sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata
b. Ang mga karanasan na pinagdaraanan ng mga
nagdadalaga/nagbibinata.
c. Ang damdamin ng mga
nagdadalaga/nagbibinata sa mga pagbabagong kanilang pinagdaraanan
d. Ang pagkakaiba ng pagbabagong
pinagdaraanan ng isang nagdadalagaat nagbibinata
4.
Ano ang pangunahing pagkakaiba na inilarawan sa sanaysay sa pagitan ng isang
nagdadalaga at nagbibinata?
a. Ang nagbibinata ay walang seguridad at ang
nagdadalaga ay nakararamdam ng kalituhan
b. Ang nagbibinata ay nagiging mapangahas at
ang nagdadalaga ay hindi na naglalaro ng manika at iba pang laruan.
c. Ang nagbibinata ay nagiging masidhi ang
pag-iisip at damdamin at ang nagdadalaga ay nagsisimulang maging pino sa
kanilang kilos.
d. Ang nagbibinata ay nagsisimulang maging
matapang at ang nagdadalaga ay nagsisimula nang kumilos na tulad ng isang ganap
na babae.
5.
Basahin ang mga katangian ng mga tinedyer sa ibaba. Ano ang mahuhubog kung
ipagpapatuloy ng bawat isa ang kanyang gawi?
· Palaging
sinasabi ni Rosemarie sa kanyang sarili na hindi siya perpekto, alam niyang sa
bawat pakakamali ay mayroong siyang matututuhan.
· Hinahasa
ni Stephanie ang kanyang kakayahang suriin at tayahin ang kanyang sariling mga
pagtatanghal bilang isang mang-aawit.
· Hindi
hinahayaan ni Anthony na talunin ng takot at pag-aalinlangan ang kanyang
kakayahan.
· Hindi
natatakot si Renato na harapin ang anomang hamon upang ipakita niya ang kanyang
talento.
a. tapang b.
talento at kakayahan c. tiwala sa
sarili d. positibong pagtingin sa
sarili
6.
Bakit mahalaga ang pagtamo sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ng bago at
ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad?
a. Upang masisiguro niya na mayroong tao na
tatanggap sa kanyang mga kalakasan at kahinaan
b. Upang magkaroon siya ng kalaro na
magtuturo sa kanya ng pakikipagugnayan sa mga kasing-edad
c. Upang mapatunayan sa lahat ng tao na may
kakayahan siyang makipagugnayan nang maayos sa kanyang kasing edad
d. Upang magkaroon siya ng makakasundo na
tutulong sa kaniya upang matanggap sa isang pangkat na labas sa kanyang pamilya
7.
Sa yugto ng maagang pagdadalgaga o pagbibinata, inaasahan na ang pagkakaroon ng
tinedyer ng kasintahan (girlfriend/boyfriend). Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil mahalagang mamulat ang
nagdadalaga o nagbibinata sa pagbuo ng relasyon sa katapat na kasarian sa
maagang panahon.
b. Tama, dahil ito ay makatutulong sa kanya
upang matutong humawak ng isang relasyon at maging handa sa magiging seryosong
relasyon sa hinaharap.
c. Mali, dahil mahalagang masukat muna ang
kahandaan ng isip at damdamin ng isang nagdadalaga/nagbibinata sa paghawak ng
isang seryosong relasyon.
d. Mali, dahil hindi pa nararapat na
magkaroon ng seryosong relasyon ang isang tinedyer.
8.
Si Cleofe ay iskolar sa isang pamantasang mataas ang kalidad. Napaliligiran
siya ng mga mayayaman na kamag-aral. Labis ang kanyang pagkabalisa dahil alam
niyang hindi naman siya makasasabay sa mga ito sa maraming bagay. Ano ang
pinakamakatuwirang gawin ni Cleofe?
a. Makipagkaibigan lamang siya sa kapwa niya
mga iskolar na mahirap din.
b. Ipakita niya ang kanyang totoong pagkatao.
c. Kausapin niya ang kanyang mga magulang
upang bumili ng mga gamit at damit na halos katulad ng sa mga mayayamang
kamag-aral.
d. Makiangkop sa kamag-aral na mayaman sa
oras na sila ang kasama at sa mga kapwa niyang iskolar na mahirap kung sila
naman ang kasama.
9.
Masasabi lamang na ganap ang pakikipag-unayan kung handang ipaalam
ang
lahat sa kapwa. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil ito ay nagpapakita ng tiwala
sa kapwa.
b. Tama, dahil ito ang magiging simula ng
isang malalim na pakikipagugnayan.
c. Mali, dahil sa kasapi ng pamilya lamang
nararapat na sabihin ang lahat ng sikreto.
d. Mali, dahil mahalagang magkaroon ng
limitasyon upang hindi magamit ang mga impormasyon tungkol sa sarili laban sa
kanya sa hinaharap.
10.
Si Bernard ay mababa ang tiwala sa sarili sa kabila ng kanyang talento. Hindi niya
ito ipinakikita sa paaralan dahil sa takot na hindi ito maging kalugodlugod sa
iba pang mga mag-aaral. Ano ang makatuwirang gawin ni Bernard?
a. Kausapin niya ang kanyang sarili at
sabihin na hindi matatalo ng hindi pagtanggap ng iba sa kanyang talento ang
kanyang pagnanais na umangat dahil sa kanyang kakayahan.
b. Humingi siya ng papuri mula sa kanyang mga
kaibigan at kapamilya na makatutulong upang maiangat ang kanyang tiwala sa
sarili
c. Harapin niya ang mga hamon nang may tapang
at hayaang mangibabaw ang kanyang kalakasan.
d. Huwag niyang iisipin na mas magaling ang
iba sa kanya, bagkus isipin niya na siya ay nakaaangat sa lahat.
Modyul 1: Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at
Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga /Pagbibinat
PAGTUKLAS NG
DATING KAALAMAN AT PAGLINANG NG MGA KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA
Gawain 1: Ang
mga Positibong Pagbabagong Napapansin Ko sa
Aking
Sarili ngayong Ako’y Nagdadalaga / Nagbibinata.
Panuto:
Sa iyong kuwaderno, itala ang mga positibong pagbabagong
napapansin mo sa iyong sarili ayon sa bawat kategorya sa bawat bilang sa ibaba.
Magtala ng limang pagbabago sa sarili. Pagkatapos, gumupit o gumuhit ng isang
larawan na sa iyong palagay ay nagpapakita
ng mga kategoryang ito. Idikit ito sa kuwaderno.
Sundin ang pormat sa ibaba. Gawin mong gabay ang halimbawa sa
unang kategorya.
a.
Pakikipag-ugnayan sa mga kasingedad
1. Lalong lumalalim ang pakikipagkaibigan sa
mga kapwa babae/lalaki.
2. Ibinabahagi ang ilang mga problema sa mga
malapit na kaibigan at hinihingi ang kanilang opinyon
3. Nagkakaroon ng interes sa mga katapat na
kasarian; nagkakaroon ng crush.
4. Iniiwasan ang pakikipag-away
5. Hindi lang sa paglalaro kasama ang mga kaibigan,
maging sa mahahalagang proyekto sa paaralan
Ngayon, ikaw naman:
a. Pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad
1. _________________________________________________________________________
2.
_________________________________________________________________________
3.
_________________________________________________________________________
4.
_________________________________________________________________________
5.
_________________________________________________________________________
b. Papel sa lipunan bilang babae o lalaki
1.
_________________________________________________________________________
2.
_________________________________________________________________________
3.
_________________________________________________________________________
4.
_________________________________________________________________________
5.
_________________________________________________________________________
c. Pamantayan sa asal sa pakikipagkapwa
1.
_________________________________________________________________________
2.
_________________________________________________________________________
3.
_________________________________________________________________________
4.
_________________________________________________________________________
5.
_________________________________________________________________________
d. Kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasaya
1.
_________________________________________________________________________
2. _________________________________________________________________________
3.
_________________________________________________________________________
4.
_________________________________________________________________________
5.
_________________________________________________________________________
Nagawa
mo ba? Magaling! Dumako ka na sa susunod
na gawain.
Gawain 2: Profayl Ko,
Noon at Ngayon
Panuto:
Punan ang tsart sa ibaba. Sa
hanay ng “Ako Ngayon”, isulat ang mga pagbabagong iyong itinala sa naunang
gawain. Sa hanay ng “Ako Noon”, itala naman ang iyong mga katangian noong ikaw
ay nasa gulang na 8 hanggang 11 taon.
Ako
muna:
Profayl Ko, Noon at Ngayon
Ako Noon (Gulang na 8-11)
|
Ako Ngayon
|
Pakikipag-ugnayan
sa mga kasing-edad
|
|
Hal.
Kalaro ko ang aking mga kaibigan.
|
Hal.
Karamay ko ang mga kaibigan ko sa mga hinaharap na suliranin.
|
Papel
sa lipunan bilang babae o lalaki
|
|
Hal.
Tungkulin ko ang maging isang mabuting mag-aaral.
|
Hal. Nagtatrabaho
at nag-aaral ako para makapasok sa mas mahusay na trabaho
|
Pamantayan sa asal sa pakikipagkapwa
|
|
Hal.
Masunurin ako sa utos ng aking mga magulang dahil alam nila ang mabuti para
sa akin.
|
Hal.
Sumusunod ako sa batas upang makaiwas sa suliranin.
|
Kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasiya
|
|
Hal.
Ang aking mga magulang ang nagpapasya para sa akin
|
Hal.
Ginagawa ko kung ano ang alam kong makabubuti sa akin at sa aking pamilya.
|
Ikaw naman:
Profayl Ko, Noon at Ngayon
Ako Noon (Gulang na 8-11)
|
Ako Ngayon
|
Pakikipag-ugnayan
sa mga kasing-edad
|
|
Papel
sa lipunan bilang babae o lalaki
|
|
Pamantayan
sa asal sa pakikipagkapwa
|
|
Kakayahang
gumawa ng maingat na pagpapasiya
|
|
Gamit ang iyong binuong “Profayl Ko, Noon at Ngayon” , isa-isahin at ipaliwanag ang mga pagbabago sa iyong
sarili mula noong walong taong gulang ka hanggang ngayon.
Modyul 1: Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at
Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga /Pagbibinat
PAGPAPALALIM
Basahin ang sumusunod na
sanaysay.
Ang
bata mo pa para makialam sa mga desisyon dito sa bahay.
Ang
bata bata mo pa gusto mo na kaagad magpunta sa party…
Dalaga
ka na, hindi na dapat nakikipaglalaro sa mga kapitbahay!
Dalaga
ka na dapat hindi ka umaalis na hindi naaayos ang iyong silid.
Pamilyar ba sa iyo ang mga
ganitong salita? Marahil sinasabi mo sa sarili mo ngayon, “Parang narinig ko na
yan”. Nalilito ka ba? Ganyan talaga ang buhay ng isang nagdadalaga/nagbibinata.
Ang yugto ng pagdadalaga/
pagbibinata ay yugto ng kalituhan, hindi lamang para sa iyo kundi maging sa mga
taong nasa sapat na gulang sa iyong paligid. Marahil maging sila hindi malaman
kung paano ka na ituturing. Bata ka pa ba o matanda ka na?
Alam kong nararamdaman mo na
ang napakaraming pagbabago sa iyong sarili sa yugtong ito ng iyong buhay, sa
iyong pangangatawan, sa iyong damdamin, at sa iyong pakikitungo sa iyong kapwa.
At alam kong malinaw na sa iyo na kinakailangan mong harapin ang napakaraming
pagbabagong ito. Mahalagang malagpasan mo ang anumang hamon na ibinibigay nito.
Sabi nga nila, “Naku, dapat mature ka na”. Ang daming inaasahan sa iyo. Sa
iyong pakiramdam lahat ng kanilang mga mata ay nag-aabang sa mga bagay na iyong
gagawin, sa mga salitang iyong sasabihin at sa mga pagpapasyang iyong
isasagawa. Kaya nga mas nararapat na handa ka, maging mas maingat ka at maging
mas malawak sa iyong pag-iisip sa maraming bagay sa iyong paligid. Sabi nga
nila, ganyan talaga ang buhay.
Gaano man kalaki ang hamon
sa iyo, kailangan mong harapin ang mga ito. Kailangan handa ka at taglay mo ang
mga kaalaman na makatutulong sa iyo upang maging matatag ka sa iyong pagharap
sa hamon ng pagdadalaga/pagbibinata.
Mahalagang maunawaan mo na ang bawat tao
ay may inaasahang kakayahan at kilos (developmental
tasks) sa bawat yugto ng buhay na dapat tugunan o gampanan. Kailangan ito upang malinang ang kanyang mga
kakayahan at matamo ang kaayusan sa pamayanan.
Mahalagang kilalanin ang mga inaasahang kakayahan at kilos na ito lalo
na sa yugto ng maagang pagdadalaga / pagbibinata (early adolescence).
May tatlong mahahalagang
layunin ang inaasahang kakayahan at kilos
(developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao.
-
Una,
nagsisilbing gabay ang mga ito kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto
ng buhay. Mahalagang maunawaan ang mga
ito upang matamo ang mga kasanayang angkop dito. Mahalagang isagawa ito sa
ilalim ng patnubay ng magulang at mga guro.
-
Pangalawa,
nagsisilbing pangganyak o motibasyon ang mga ito sa binatilyo/dalagita upang
gawin niya ang mga inaasahan sa kanya ng lipunan.
-
Pangatlo,
malilinang ang kakayahang iakma ang kanyang sarili sa mga bagong sitwasyon;
kaya’t maiiwasan ang stress o nakahihiyang reaksyon dahil makapaghahanda siyang
harapin ang mga ito. Halimbawa, ang mga
batang nagmamasid sa paraan ng pakikitungo ng binatilyo/dalagita sa katapat na
kasarian ay madaling maiakma ang kanilang mga sarili pagdating nila sa yugtong
ito.
Sa
panahon ng pagdadalaga / pagbibinata, may walong inaasahang kakayahan at kilos
na dapat malinang ayon kay Havighurst (Hurlock, 1982, p.11).
Ang mga ito ay:
1. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan
(more mature relations) sa mga kasing edad
2.
Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
3.
Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng tamang pamamahala
sa mga ito
4. Pagtamo at
pagtanggap ng katanggap-tanggap na asal sa pakikipagkapwa
5. Pagkakaroon
ng kakayahang mapag-isa sa mga magulang o may sapat na gulang (adults)
6. Paghahanda para sa paghahanapbuhay
7.
Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya
8.
Pagkakaroon ng mga halaga (values) at gabay sa mabuting asal
Narito
ang paglalarawan ng bawat isa:
- Pagtamo ng bago at
ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing edad.
Bago dumating ang yugto ng pagdadalaga / pagbibinata, ang isang bata ay madalas na mas
nakikipag-ugnayan sa kapwa batang kapareho ng kanyang kasarian. Halimbawa,
kung babae ka, mas gusto mong kalaro ang kapwa mo babae. Para sa
isang bata, mahalaga ang pagkakaroon ng kalaro dahil ito ang magtuturo sa
kanya ng makipag-ugnayan. Ngunit
habang lumalaki at nagkakaisip, nababago ang kanyang pagtingin sa kanyang
kapwa. Nagiging mas malalim ang kanyang pagtingin sa pakikipag-ugnayan.
Naghahanap na siya ng mga taong makakasama niya nang mas madalas sa
araw-araw, makakasundo sa maraming bagay at ibang gawain. Ang tawag niya
rito ay mga kaibigan. Sila ang
mga taong tumutulong sa kanya upang matanggap at mapabilang siya sa isang
pangkat na labas sa kanyang pamilya. Ngunit mahalagang maunawaan niya na
may tungkulin siya sa paghubog
ng isang malusog at ganap na
pakikipag-ugnayan. Sa puntong ito, makatutulong sa iyo ang mga sumusunod
na hakbang:
- Alamin
mo kung ano talaga ang iyong nais.
Kailangang malinaw sa iyo kung ano ang ninanais mo sa isang
pakikipag-ugnayan. Halimbawa, gusto mo na magkaroon ng isang kaibigan
na maaari mong ituring na parang sarili mong kapatid dahil ikaw ay
nag-iisang anak. Makatutulong ito sa
iyo upang makalikha ng mga hakbang kung paano mo gagawing ganap ang iyong
pakikipag-ugnayan.
- Ipakita
ang tunay na ikaw. Mula sa iyong
pagkabata natuto ka na gumanap sa iba’t ibang gampanin sa iba’t ibang
sitwasyon. Kasama dito ang pakikipag-ugnayan. Sa unang yugto ng iyong
pagdadalaga/pagbibinata, ginagawa mo ang lahat upang matanggap ka ng ibang tao na iyong kasing edad. Lagi kang
nakahandang makiayon sa kanila. Ngunit maaarimg makalimutan mo na ang
totoong ikaw. Huwag kang mahiyang ipakita sa kanila ang tunay mong
pagkatao. Ang pagtanggap sa lahat ng ito ng iyong mga kaibigan ay
nangangahulugang pagtanggap sa tunay na ikaw nang walang halong
pagkukunwari.
- Panatilihing bukas ang komunikasyon. Ang pagbabahagi ng iyong nararamdaman, ninanais, mga
plano, mga takot, kasiyahan at iba pa ay mahalaga tungo sa isang ganap na
pakikipag-ugnayan. Mas makabuluhan ang pakikipag-ugnayan kung walang
anumang itinatago sa bawat isa. (Halimbawa, kahit pa alam mo na
makasasakit sa iyong kaibigan na ipaalam sa kanya ang iyong negatibong
obserbasyon sa kanyang ugali, tama lamang na sabihin mo ito sa kanya
upang magkaroon siya ng pagkakataong baguhin ito.
- Pagtanggap sa
isang tao at sa kanyang tunay na pagkatao.
Ang pakikipag-ugnayan ay walang kundisyon. Mahalagang tanggapin ang isang
tao bilang tunay na siya. Hindi makatutulong kung ganap mong babaguhin
ang tao ayon sa iyong nais. Halimbawa, hindi mo maaaring pilitin ang
iyong kaibigan na maging kapareho ng iyong pag-iisip, kilos at paniniwala
sa lahat ng pagkakataon. Hindi mo rin magugustuhan na nagpipilit ang
isang tao na maging isang taong hindi naman totoong siya. Hindi tatagal
ang isang pagkakaibigang puno ng
pagpapanggap. At lalo’t higit hindi magiging
kuntento ang iyong kaibigan na malaman na hindi mo kayang tanggapin ang totoo
niyang pagkatao.)
- Panatilihin
ang tiwala sa isa’t isa. Kung walang
tiwala sa isa’t isa, mahina ang pundasyon ng ugnayan. Kung mananatili ang
pagtitwala sa isa’t isa, kayang lagpasan ang anumang mga pagsubok sa
pakikipag-ugnayan. Kaya lang,
iwasan maging masyadong pamilyar sa isa’t isa. May kasabihan sa Ingles na
“Familiarity breeds contempt.”
- Maglaro
at maglibang. Walang pinakamasarap
kundi ang maging bata. Kung minsan sa labis na pagiging seryoso natin sa
buhay, nakakalimutan na natin ang halaga ng paminsan-minsang paglalaro at
paglilibang na magkasama. Sa paraang ito, nawawala natin ang maraming
pag-aalala, takot, pagdududa at insekyuridad (insecurities).
- Mahalin
mo ang iyong sarili. Kung hindi mo
matututuhang mahalin ang iyong sarili, hindi mo matutuhan ang magpahalaga
sa ibang tao. Mahihirapan ka na tanggapin ang kahinaan ng ibang tao kung
hindi mo kayang tanggapin ang sarili mong mga kahinaan. Kung hindi ka
masaya sa maraming bagay tungkol sa iyong sarili, walang anumang gagawin
ang ibang tao na makapagpapasaya sa iyo. Kung kaya mahalagang simulan mo
ito sa tunay na pagtanggap sa kung ano ang tunay mong pagkatao at sa
pagpapasalamat sa lahat ng biyaya ng Diyos sa iyo.
- Pagtanggap ng papel sa
lipunan na angkop sa babae o lalaki.
Ang mga nagdadalaga/nagbibinata ay bumubuo ng kanilang sariling kahulugan
ng pagiging lalaki o babae. Ngunit hindi pa rin naiaalis na ibatay ito sa
nakagisnang kultura. Halimbawa, ang lalaki ay malakas, matapang at ang
babae naman ay mahina, palaasa. Ang
kanilang pagkakaibang bayolohikal ang nagtutulak upang magkaroon ng
ganitong pananaw. Ngunit hindi nararapat na lagyan ng hangganan ang kakayahan
ng bawat isa batay lamang sa
kanyang katangiang bayolohikal. Sa tulong at
paggabay ng mga nakatatanda, kailangang mabigyan ng pagkakataon ang bawat isa
na hubugin ang kanilang mga papel sa lipunan bilang lalaki at babae. Halimbawa,
kailangan na turuan ang mga lalaki na ipakita ang kanilang tunay na damdamin.
Umiyak sila kung kinakailangan sa panahon ng labis na kalungkutan. Kailangang
salungatin ang paniniwalang ang umiiyak na lalaki ay labis na mahina.
- Patanggap sa mga
pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito.
Sa yugto ng pagdadalaga/pagbibinata, mabilis ang mga pagbabago sa katawan
kung ikukumpara sa ibang yugto ng buhay, maliban sa unang dalawang taon ng
sanggol. Sa isang binatilyo/dalagita, ang pagkakaiba niya sa iba sa bilis
ng paglaki ng mga bahaging ito ay maaaring maging dahilan ng kawalan ng
kapanatagan (insecurity). Maaaring magkaroon ng epekto
ang mg pagbabago sa katawan sa emosyon at pakikitungo sa kapwa. Likas at panlahat ang mga ito, kaya di dapat
mag-alala ang dalagita/ binatilyo.
Mahalagang sumangguni sa mga may sapat na gulang (adult) - magulang o
taong pinagkakatiwalaan. Kailangan ang
masustansyang pagkain sa yugtong ito, sapat na ehersisyo at malusog na pamumuhay
(tulad ng pagtulog sa loob ng walong oras at pag-inom ng walo hanggang sampung
baso ng tubig araw-araw, at pana-panahong pamamahinga (periodic rest).
Kailangan din ang paraan ng pagrerelaks at malalim na paghinga upang maalis ang
mga tensyon sa katawan.
Makatutulong din ang mga gawaing gagamit ng galaw ng katawan tulad ng paglilingkod sa pamayanan at mga karanasan sa pagkatuto na hands-on.
- Pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa/ lipunan. (Desiring and achieving socially responsible behaviour). Habang lumalaki ka at nagkakaisip, nakikita mo ang unti-unting paglawak ng iyong mundo. Mula sa iyong tahanan, lumalawak ito habang nadaragdagan ang iyong edad. Ang pagiging mapanagutan sa pakikipagkapwa ay lagpas sa simpleng paggalang sa kapwa, ito ay pag-unawa at pagbibigay halaga na hindi nabubuhay ang tao para lamang sa kanyang sarili. Kailangan natin ang ibang tao upang tunay na makita ang ganda at halaga ng buhay. Para sa isang nagdadalaga/nagbibinata, mahalaga ito upang tunay na makilala ang kanyang pagkatao, upang matukoy kung saan siya nababagay (fit) sa lipunan at upang mabuo ang kanyang tiwala na makibahagi sa anumang gawain o trabaho.